Thurs last week…akala ko napaaga ako sa airport…flight ko kasi is almost 12 midnight…8:30pm nakapila na ako para mag check in…ang haba ng pila..okay…because of the heighted security ng NAIA..basically most of the airports…okay cant describe the scenario..ganito na lang…8:30pm pumila na ako…nakarating ako ng boarding area 11:45pm…walang yosi yosi dahil una bawal nga lighter or any fluid or gel like material for that matter sa check in luggage….at pangalawa wala ng smoking area sa NAIA…hmp.
Okay, 8 hours lang naman ang flight from manila to dubai(stopover)….ang nakakaloka 11 hours naman ako sa dubai…ang problema ko pa…ebak na ebak na ako..i tried checking the toilets pero pila…alam mo nyo yun? Parang dyahe na marinig nila ang pagutot ko at ang baho ng ebs ko…na sa paglabas ko nakatitig mga tao sa akin…well, oo hindi naman nila ako kilala pero kakahiya pa rin…naalala ko tuloy ko yung ebak blog ni rey agapay(check nyo, reyagapay sa blogspot). So, I searched the whole dubai international airport para mailabas ko ang lahat ng sama ng loob ko matiwasay at tahimik well, advise ito sa pupunta sa dubai. The toilet is at the far left wing ng duty free okay…dun tahimik walang kalaban.
Saving grace ang pagdala ko ng laptop at ang wifi ng dubai international airport..salamat sa teknolohiya. Kung ang ibang tao eh nakahilata sa floor while waiting for their flight…mas sosi nman na pawifi wifi ka lang sa starbucks…naloka ako sa presyo ng kape ha…akala ko usd15 ang grande yung pala 15 dinars lang. At mas sosi lalo kung wala kang hand carry kundi ang laptop bag mo lang. You will be amazed by the presence ng mga pinoy na nasa dubai international airport. Lalo na sa may duty free kakaloka. Hindi naman sila masungit, in fact, may isang pinoy na nagbigay sa akin ng yosi dahil ang yosi ko nasa hand carry ko na na-check in ko rin.
Nakarating na rin ako ng sudan…mas masarap ang food sa dubai-khartoum flight ko kaya super kain ako sa plane…pagpasok ko ng arrival area, may naghihintay na sa akin dun…he asked for my passport, asked me to wait and voila, may instant visa na. I don’t have to fall in line sa immigration…tuloy tuloy lang. Divish bongga! Hate ko sa biyahe ang check in lalo na ang carousel. Lalo na’t sa manila pa ako nag check in…ang mga nag check in nang una ang huling lalabas sa carousel. Antok and pagod na ako..wala pa rin bagahe ko…
Hindi na rin ako dumaan ng customs…derecho pa rin…isang UN staff sumundo sa akin…binaba ako sa UN guesthouse..yun lang…hindi man lang nag endorse nang kung anu-ano..pero, okay lang…sa sobrang patang pata na katawan natulog na lang ako.
The following day, I felt so dehaydrated kasi huling intake ko ng tubig sa plane pa…hindi naman ako pwedeng uminom ng water from the faucet at malalasahan ko ang tubig from the nile river…kahit wala akong alam naglakas loob akong lumabas to buy water..may sari sari store dito mga fwend..problem wala akong sudanese dinar…!!!!!
Hay, I have to find a way to quench my thirst….lumabas ako sa kalye. Asked help from the sikyo manning the first gate ng UN headquarters…buti na lang marunong mag ingles..they called a thuk-thuk(parang tricycle sa atin) but I have to pay usd4 just to bring me to the mall..parang magpapalit ng pera at makabili ng kailangan ko…hayai na…punyeta…start ng Ramadan kaya late nagbukas ang mall…naiiyak na ako…saving grace ang dalawang Karen(carpentero) na nakilala ko. At least naaliw ako sa mga kwento nila at sa pagsama nila sa akin…finally, nakabili na ko ng simpack ko pati na rin water ko….at bread…we were supposed to eat sa foodcourt ng mall kaso sarado dahil Ramadan..Saturday pa(ang weekend naming dito is Friday and Saturday)..so for 4 days…bread at spread at juice lang ang kinakain ko.
Sunday, I started to fix my papers…so security exam, ID, etc….hindi masyadong exciting…lalo na sobrang init dito…nakakalimutan ko ang kanin sa pakikipag chat sa mga frends ko…hanggang makatulog na lang ako. Monday, start ng orientation..kakaloka…kailangan magpakilala ang isat isa na ala miss universe. Well, universal naman talaga kasi mga kasama ko from different parts of the world…divish! Gustuhin ko man ibahin ang intro eh di bale na lang…na overwhelm lang ako kasi akala ko doctor lang ako dito..but I have more responsibilities than being a doctor…para kaming gumagawa ng coup d etat kasi mga kasama ko sa orientation eh mga military naka uniporme pa…lalo na ang mga topic…UN system, values, evacuation, landmine, hijack, UXO, at different abbreviations na hindi ko matandaan.
To and fro the hotel and UN headquarters, may shuttle ang national and international UN staff…wait ka lang….minsan sa pag uwi ko, nakasakay ako with Pakistani and Indian police…may gosh….sorry ha, pero I texted my friends na hindi yata bala or malaria ang tsutsugi sa aking dito kundi ang mga ANGHET na kasabay ko nung araw na yun…I will die of asphyxiation due to body odor hindi ko kaya. For 15 mins yata hindi ako huminga…matutuwa ka sa mga Sudanese…magaling silang magsalita ng inggles may twang pa kasi ang mga aral usually sa Saudi nagaral…mukha silang intelihente….basta,I have to find out more…ang nakakaloka sa daan eh walang batas trapiko dito…kanya kanya…ang bagay dito yung mga driver sa montalban…I swear.. pero higit sa kinaloka ko eh ng makakita ako ng itim na langgam(sudanese HANTEK) na masakit kumagat , ang tsubibo(ferris wheel) sa gitna ng isang malawak na lupain…to think muslim country ito….at ang mga puti na halos 4 na araw na pareho ang suot na damit…okay lang kung malamig kaso dito bubula lahat ng kasinngit singitan mo…at ang hindi ko pagkain ng kain na to think sa pinas pati dessert ko ay kanin….
