crossroads….(?)
Thursday, August 31st, 2006Eto na naman,finding it hard to decide for myself…well, eto ang siste..alam naman natin ang hirap ng buhay sa pinas. To cite an example, ang mestra nagd DH or caregiver at ang mga doctor nagna nurse para lang makaalis ng bansa at maging parte ng brain drain…o, upang iwasan ang “pocket” drain? Well, naging bahagi na rin naman ako ng “brain drain” na yan. 2003, nagpunta ako sa East Timor upang magtrabaho bilang manggagamot. Naka isa’t kalahating taon din ako ruon. Well, kahit na sabihin natin na mahirap mamuhay sa ibang bansa lalo na’t sanay tayong maymga helpers. Mga taong maasahan sa oras ng pangangailangan. But inspite of the hardships living alone plus the living conditions of a place like East Timor, andito na naman ako. When I came back last November last year I was expecting I’m still going back to work for Timor. But when the HR director rang me and informed me that unfortunately hindi na, nag apply ako on line sa United Nations Volunteers (UNV). Fortunately, after 3 days, nag reply sila they asked me to fill up a form para makasama na ako sa roster. Then, after 3 months(April), ako a certified na nasa roster na ng UNV. The importance of this is that, its like a site of all qualified people who can be sent for a mission. Ehh, mission like sa sudan, Lebanon at kung saan saan pang may giyera internal or external man. Headquarters ng UNV ay sa Bonn, Germany. Ang mga staff dun ang tatawag sa iyo kung interested ka itapon kung san man panig ng mundo. To make the story short, after they’d reviewed my CV and passed the interview (kasi sagot ko, “for world peace”) I was selected for deployment in Sudan. I am sooo excited kasi maglalayag na naman ako. Although siyempre, eto na naman ang buhay na never ko na-imagine (walang kuryente, walang tubig kung meron man kulay tsokolate, may epidemic ng malaria at mga sakit na sa libro ko lang yata nalaman, atbp). Haaaaay! Ironic pero enjoy ako….sabi ko Lord, thanks for giving me this chance. Ang galing galing mo Lord! Then, after I received thru email my security visa and my electronic ticket, may ibang kwento naman. Ang tatay ko…may saket. Hindi lagnat..hindi ubo…hindi high blood kundi tumor sa prostate. Ay, ano ba….sign ba ito na huag na ako umalis? I’m fond of asking for signs kasi in anything I do. pero, hellur, daming signs ito…kakalito..hindi ko ma discern. Syempre, justify na naman ako ng mga signs…na kaya siguro na move ang paglalayag ng sept kasi magkakasakit ang tatay ko(dapat kasi july pa ako umalis). Well, I asked permission actually informed my father about my plan. Agree naman siya, worry lang nya eh ang giyera…okay, settled. Kaso, last Tuesday, he had his biopsy…and we are still waiting for the result…kabado…paano kung malala…remember, he had biopsy last summer due to a vocal cord tumor…good thing I don’t see any signs na my dad is getting weak…worse…lahat nega…I asked for some advices from my frends…mixed…lalo akong nalito…so I resorted to trusting my sixth sense…medically, prognosis wise, maganda ang prostate cancer..kung cancer nga…20 years survival rate…6 months lang naman ang mission ko…dream ko ito paano tatay ko…I really wanted to do this…buti na lang mabait si Primo, I had a heart to heart talk with him…he understands.


