Death Wish ng Nanay ko..Panu kung sinunod ko?

April 29th, 2008 by gepie-88

Naiinis ako sa mama ko(magbasa na lang muna)…SLN….papano kaya kung sinunod ko siya…SLN kasi she died like 22 years ago…she didn’t make it sa graduation ko nung high school kasi nga she was too weak na….of course, after graduation, apply ka na for the university. 22 years ago, para maiba lang sabi ko sa sarili ko, I want to be a doctor. So, lahat ng college entrance tests na kinuha ko science related. Fast forward, among the schools na nakapasa ako…pinili ko ang USTE. Siste, kapag nakita mo na nakapaskil ang name mo, enroll ka na pero pwedeng di ka pa magbayad…went home and told my mother na nag enroll na ako sa kursong BS Biology sa USTE….mga May 1986 ito she died june 8, 1986. ang istorya, just consider the time frame…so mga huling sandali na niya when I broke this news…when I told her na naka enroll na ako…ang sagot eh “ bunso, huwag ka na mag doctor, at wala na tayong pera”…may ganun! (she died of pancreatic CA secondary, liver mets; of course, opera, chemotherapy, gamot, bayad sa mga bogus na faith healers imagine 40k sa mga kandila etc)…eh mukhang lalo naman yatang hindi ako pwedeng pumasok sa ateneo at la salle. Layo naman UP Baguio….she made sense….in her death bed…pero, I didn’t listen to her…pero di ba kapag sa death scene kailangan sundin ang mga huling hiling….OMG, I didn’t…still, I pursued my ambition….against her death wish….1 week bago magpasukan, she died….in hind sight, what If i followed her…ano kaya ako ngayon…sorry, mama, pero parang I made the right decision against your will…naging doctor naman ako…sa UST pa rin naman ako nakatapos…tapos, eto ako ngayon…pwede ko siyang sundin nuon, dahil super close kami talaga…ako yung tipong opo ng opo…and yun nga! ang death bed scene.. so, I don’t know…what if sinunod ko nga siya…pero im very sure….happy siya up there….watching over his bunso…na umaariba ang karera…

Club Makisig

May 13th, 2007 by gepie-88

BABALA:  ito ay may pahintulot mula sa may akda…ang mga pangalan ng mga nagsipagganap ay pinalitan…hindi ito para sa mga moralista…bata na wala pa sa tamang edad…ito ay nangyari sa totoong buhay ni red lisptick….

Eto na nga…1 am ng madaling-araw ng pumasok sa pintuan ng Club Makisig ang mga lola mo…mga kafatid, dami pala macho dancers dun? (obvious ba? gay bar nga noh?!)usually daw, mga 15 sila..pag weekdays,minsan mga 7 lang daw..
nung una,isa-isa sila magsayaw…to the tune of "Making Love out of Nothing at All","Don’t Wanna Miss a Thing",etc etc…day!! ang gagaling gumiling! lambot ng mga katawan (nai-imagine nyo?)…at ate, ang gugwapo kaya nila!! ang mga age nila,early 20s…asan kaya ang mga nanay at tatay nire??
Tapos,itong floor manager na bading(Kuya Boy,is that you?..kamukha nya si Boy Abunda,pramis!), pinagsayaw ng sabay-sabay ang mga mhin…tapos,mamili daw kami…hahaha! ganun pala yun! eh manonood lang kami no? ok na yun!
Ang pinakamalambot ang katawan,si Bruce..at tisoy ang kuya mo.23 y/o…parang walang buto kung gumiling…hanggang sahig…hehehe! syempre, landslide ang choice..mag-table daw ng isa…ayun! si tyrone ang nagwagi…
Eto na…parang nalingat lang ako sandali pagharap ko uli sa stage…(tabi nga pala kami ng stage kasi wala masyado tao,Sun nyt kasi..kami lang ata tapos may 2 couple e…matao daw pag fri at sat)..ate…nakadungaw na ang bandila ng Pilipinas sa brief..talo pa yata ang uminom ng Viagra at Cialis combined…erected to d max..malinis naman..pinkish..(-)discharge, (-)skin lesions….hehehe!
tapos,itong mga kasama ko,sinabi sa dancer na 1st time daw namin…sabay turo sa 2 dalaga na kasama namin…bumaba na kamo ang dancer with his shining armor at naramdaman ni Cheska(kilala mo sya ate Ronald,kasama ko nung nag-meet tayo sa Robinson’s remember/) na may matigas na bagay na tumusok sa likod nya..nag-hysterical ang lola mo…tumayo bigla..kaya ang macho dancer,bigla humarap sa katabi ni Cheska…eh ako yun mga ate..
Syempre, ang lola mo,hndi na-shock! ano ba? kagagaling ko sa Operation Tule that morning..ang dancer,hinawakan ang kamay ko at inihawak sa dibdib nya tapos sa nota nya….Ayyy! na-shock din pala ako…kasi napatili ako!(habang si Cheska ay nagpupunas ng luha…naiyak ang loka! ayun! kuba na sya ngayon..buntis ang likod nya!!)
Actually, habang hawak ng papa ang kamay ko, nagtatanong naman siya "OK lang po kayo?" o divah! magalang..namumupo…ganito ata ang feeling matronix?? tapos ,nagmamakaawa siya i-table siya..binulong nya yun…nung umalis na sya,sinabi ko kay Mamasan…naaawa nga si Mamasan sa kanila..sabi ko,"eh pano? kumuha ba tayo ng tig-iisang scholar?"  sabi ko kay Mamasan, i-table kasi kawawa naman..hindi makapag-table ang lola dahil me kasamang papa na sabi ko nga parang callboy ata..(bakit kamo? that’s a different story.)
nagbihis lang si macho dancer tapos bumalik sa table namin tapos nag-apologize..sabi ko ok lang…tapos,sabi ni Mamasan,i-table na…yun na! Siya si Robert! 24 yrs old..may 4 yr-old na anak out of wedlock..recently broke with current girlfriend na buntis ngayon kasi pinapakasal daw sila nung tatay ng girl,ayaw nya…wala na kami mapag-usapan kaya ipinapasa ko si Robert kay Cheska pero ayaw nya..anyway,nasa gitna nila ni Maria si Bruce..(si Cheska po ay graduate ng Psychology sa FEU at si Maria ay graduate ng Tourism sa UST)
Therefore, I conclude kinuha ni Robert ang cel no. ko..(at ibinigay ko naman)..
At mula noon,hanggang ngayon…ay may textmate nang macho dancer ang ate nyo…
Hindi nya alam na doktor ang textmate nya…at wala akong balak sabihin..so far,wala naman kasi syang text na bastos (namumupo pa rin as in "kmuzta poh" dyos me! pang-kabataan talaga ang dating ng text!)…walang txt na demanding (as in hindi naman humihingi ng Pasaload pls..)walang txt na offending…
yun nga lang,sinasabihan ako ng Luv u ek ek ek…na sabi ko tigilan nya dahil hindi naman ako naniniwala…tinigilan ng ilang araw,tapos ayan na naman…hayai na..kung san sya masaya,suportahan taka..
pero lagi gusto magkita daw kami..sabi ko "yoko! gagawin mo lang akong sugar mommy!" hehehe! wala ako budget kaya dami ako excuse…nag-iipon pa ako ng pang-tuition kaya tsaka na…after enrolment! Bwahahaha!
Kahapon,nasa Concepcion market siya..may canteen daw dun ermats nya..(o di ba?the lingo..)ayaw daw nya sa nanay nya, kagalit daw nya stepfather nya…nung tinanong ko kung asan totoo nyang tatay, nasa Leyte,madami daw asawa pero sila daw ang original na anak..that explains why..malapit na makumpleto ang Anamnesis…
O siya, haba na kwento..nagiging drama na ata…
2mrw nyt, may Miss Gay 2007 dito sa Liwasang-Bayan ng Cainta..judge ang ate nyo…oh..bongga! ganda na seat at view ko sa mga kafatid natin, may merienda pa ako!

Ex’s Baggage

April 24th, 2007 by gepie-88

Hindi ko makita ang relevance ng pagiging surprised nang mga ground steward kapag sinasabi mong sige na “ I will pay for my excess baggage.”  It is wise to travel light. Siguro depende kung san ang destination mo at kung ganu ka katagal.  Pero since I am going on a mission and mga 3 to 6 months bago ulit ako makauwi ng pinas I make sure that I have all the necessary things na kailangan ko.  For economy class you are just allotted well apparently 20 kgs check in baggage pero since long travel pwedeng 27 kgs+++ depende ulit sa airline.  Pero ako umaabot ng 30 kgs +++ ang check in baggage ko dahil gusto ko lahat ng ginagamit ko sa pilipinas (toiletries, foiled package goods, at boy bawang) dala dala ko mahirap na and gusto ko excessive.  So I spoke to this bading na ground steward na babayaran ko na lang ang 150usd.  Binigyan na lang ako ng discount ng ate.  In fairness, meron pa ako isang bagahe na hindi ko na lang dinala. Problema pa.  Mabuti na lang iwan sa pilinas.  Pilit pinapadala ng isang dating malapit sa heart ko.  Kung hindi, marahil higit pa sa 150usd ang binayaran ko.  Besides, I want to fly and travel “light”.  Yung, naka ipod ka lang sa plane, watch ng mga in flight movies, wifi ka lang while waiting for your connecting flight or yosi sa mga designated areas na walang dala kundi laptop bag at hindi “bagahe”.  I was really firm…Hindi ako sumagot. Ayoko ng may iisipin at gugulo sa isip ko baka mawala pa passport or ang boarding pass ko.  Hindi ako nagpa apekto…It came to a point na parang pathetic na ang pakiusap pero yoko muna.  I will soon decide if ever I want that baggage back.  . Uwi naman ako ng august I will see.  Pero, ready na ba ulit ako after 1 year na super nag enjoy ako sa pagiging single blessed?  Am I ready to compromise this time? Pede na ba ako maging hindi naughty ulit?  At this point, I really don’t know!!!! Kya don’t push me because I might answer you NO!  First time ito…na I have reservations sa decisions ko.  Before, it’s either yes or no lang.  I really hate confusing myself…sa lahat ng bagay kapag nagugustuhan ko hindi ako nagse second thought or mamimili pa ng iba kahit na magiling mag sales talk ang kausap ko.  I was always firm…now, I am reconsidering things but it depends….so I will see if im willing to pay next time for that excess baggage…    

Exciting!?……

April 24th, 2007 by gepie-88

Im soooooo bored!  Hindi ko kaya na im being paid for doing nothing…hindi naman sa wala me ginagawa dito the thing is, after working in the emergency room for 7 or 8 years (?) eto ako naka upo lang and waiting for patients to come. Walang action! I want more!  Walang adrenaline rush.  Although yesterday, I was about to send my daily medical report when the security officer told me to be on stand by kasi daw may binaril na dalawang staff ng Samaritan Purse (American NGO).  Na excite ako bigla! Hindi dahil natutuwa ako na may nasasaktan okay. Feeling ko doctor na naman ako at hindi parang call center guy (maghapon ako sa YM at sa dect phone buti na lang daming forbidden sites). So, isinantabi ko muna ang schedule ko to play volleyball and rushed to the airport kasi they were evacuated at dun ko na lang hinintay of course kasama ko ang ambulance driver ko. The moment the UN chopper landed at tumigil ang elisi sa pagikot akyat agad ako sa helicopter to check kung anung mga injuries.  Na excite uli ako kasi nakakita ako ng dugo…

sana

huwag isipin na ko ay masochista…di ba.  Check check check…injuries were not too severe.  Hindi katulad ng mga nakita ko sa E.R. nuon…putol na lower limb tapos iaabot sa iyo yung kaputol…mga flat faced na beyond recognition dahil bumangga ang harap ng oto sa naka park na malaking  truck na walang EWD…bala na nakabaon lang sa scalp etc.  Yung kanila avulsion lang…pero yung isa, she was shot in the knee area and there was no point of exit.  Stable! 

Para

maging productive naman talaga nakibuhat ako ng stretcher from the plane to the ambulance.  Then from the ambulance to the emergency room of a national hospital.  Excited pa rin ako.  Daming patients….parang peoples power or fans day…natigalgal na lang ako kasi walang

kama

so ang pobreng patient nilapag na lang sa sahig na cemento.  And the local doctor assigned sa ER eh kewl…as in, walang kabog. Siguro sanay na. pero my patient was grimacing in pain…whining….deadma.  Hindi ako makag angas na hindi ba pwedeng bigyan ng analgesic para naman kumalma ang hapdi at kirot na nararamdam…?  Hindi ko ito teritoryo..so, pinaghele ko na lang ang pobreng bata at binantayan.  Sin of omission pero wala akong magagawa. Besides, paano ko sasabihin sa Arabic ang pwede mo bang bigyan ng Medicol or Nubain ang pasyente ko?!  When the doctors were exploring her gun shot wound, the mother of the patient came.  Eto na ang mga eksena na ayokong makita.   Hikbi at impit na iyak…gestures na alam mo na anytime eh pwedeng mag hysteria or pwedeng underacting.  Sa dugo hindi ako naapektuhan pero the moment I see the relatives cry with the patient…dun ako nagdudurugo…hindi naman ako makikiiyak pero dama mo yung takot at pain nung nanay. Dun ako nagwa walk out….

Huling Aray

February 21st, 2007 by gepie-88

this entry is long overdue. sobrang tagal na dapat lumabas but i just decided to keep quiet. since wala me sa pinas at  nasa malayo akong lugar, i keep myself informed with the latest news, etc thru abs-cbn beta, philippine star on line, inq7, mga friends kong bloggers.  dito ko nalalaman ang mga latest showbiz balita at lately ang circus about the forthcoming election.  yesterday, i received an email, last week i received a message from a dear friend. today, while having a quick look sa inq 7.net i come across this article about…of all, What is your most memorable break-up and one  about article "time to say goodbye(http://showbizandstyle.inquirer.net/lifestyle/lifestyle/view_article.php?article_id=50742)."  ayoko na sana i dignify kaso medyo naapektuhan ako with that email yesterday and with these articles and in fairness sa article ni kristeta sa column ni ricky lo sa philippine star.  Memorable break up siyempre yung sa boracay!  nampucha, una mahal.  sabi ng isa kong frend, ang arte daw namin manong sa jeep na lang daw sana or sa kanto naghiwalay.  dumayo pa daw kami at gumastos.  well, you dont plan things to happen.  but the inevitable happened in the middle of a well planned vacation.  secondly, nightmare yung mga narinig ko nung gabing iyon. unbelievable!  pangatlo, mahirap mag walk out kapag malayo ang lugar and in the middle of the night. after we had the discussion, parang gusto kong mag walk out pero paano?  lalanguyin ko ang boracay island at sa manila bay ako pupulutin. at napaka sosyal ko naman kung mag special flight ako. it was really a patibong. ang pang apat, mahirap umuwi mag isa.  i mean not literally but alam mo yung wala ka sa sarili because yung away nung gabing iyon eh sariwa pa sa alaala mo.  punong puno ng galit at kanegahan ang pagiisip mo…siyet!ayoko na sana balikan pero i think it would be better to face this than ran away again!  pero, okay naman lahat. kumbaga eh, may closure na, naka move on na.  yung present reaction ko eh dahil siguro ang super extended kong lungkot dahil walang pasko, walang valentine’s day,  walang katapusan premier night (lamay) ng mga ama ng mga goodfriends ko sa pinas…at ang huli, hetong article na ito. kaya, sorry pinatulan ko.

kris kringle

December 24th, 2006 by gepie-88

DECEMBER 24, SUPPOSED TO BE CHRISTMAS EVE…WELL, YEAH IT’S CHRISTMAS EVE BUT WHAT I MEANT WAS DAPAT I AM OUT MERRYING WITH MY FRIENDS THAT ‘S BASICALLY WHY IT IS “MERRY” CHRISTMAS. FOR THE PAST FEW DAYS, I WAS REALLY NOT MY USUAL SELF. WHEN I KNEW THAT MY KUYA AND HIS FAMILY ARE IN MANILA FOR CHRISTMAS I CALLED HOME IMMEDIATELY. I SPOKE WITH TATAY PRIMO, HE WAS HAPPY THAT I CALLED AND HEARD MY VOICE. I WASN’T. DON’T TAKE ME WRONG OKAY. I MISS MY FAMILY SO MUCH KAYA NG MARINIG KO BOSES NI PRIMO, I FELT SAD KAYA HINDI AKO HAPPY DI BA. SOBRANG, NAG SINK IN SA AKIN NA IF I WERE IN MANILA NOW, I WOULD BE ENJOYING THE COMPANY OF HIS APO’S AND KUYA. HINDI KAMI CLOSE BUT THINGS CHANGE KAPAG MATANDA NA KAYO ESPECIALLY DI BA NGA WE HAVE A SICK FATHER. NALUHA AKO…TOTOO. AT HINDI NATAPOS YUN DUN. SA KA PRANINANG KO DAHIL MAGPAPASKO NA NGA, I CALLED I THINK ALMOST MY CLOSEST FRIENDS. OR AT LEAST TEXT THEM….WELL, LALO LANG AKO NALUNGKOT. KAINIS! OKAY NA YUN….KASI NAKATULOG NA AKO…HERE, CHRISTMAS IS ALMOST NIL…YOU WONT EVEN REALIZE IT UNLESS SOMEONE SENDS YOU A FORWARDED FORWARDED CHRISTMAS GREETINGS, UNLESS YOU GET TO BBC FOOD CHANNEL AND THEIR SHOW IS ABOUT WHAT TO PREPARE FOR CHRISTMAS…DITO, OBVIOUSLY WALANG CHRISTMAS CAROLS, WALANG CHRISTMAS LIGHTS, WALANG CHRISTMAS CARDS…FINE, MAY PARTY AT LEAST PERO WALANG KRIS KRINGLE KASI NAMAN SAAN NAMAN KAMAY NG CAMELYO KAMI KUKUHA DITO NG PANG EXCHANGE GIFT. PARA KAMING GRADE SCHOOLERS NA BABALOT NG CHOCOLATE OR CANDY (MISS KO NA ITO BABALOT KA NG MALLOWS OR YUNG PRETZEL TAPOS HAPPY KA NA). ETO, EVE OF CHRISTMAS, I SPENT IT WITH MY CLINIC STAFF. WE HAD LUNCH TOGETHER PARA MAGKASAMA SAMA LANG KAHIT HINDI MAAROK ANG MEANING NG PASKO, I FINISHED YATA READING ALL THE NEWS SA BROADSHEETS(THANKS TO INQ, ABS-CBN, PHIL STAR AND MANILA BULLETIN, BAKTI WALANG ABANTE), I SPENT THE WHOLE TIME CHATTING WHOEVER IS AVAILABLE IN MY YM…SOBRA(JOVE THANKS FOR THE COMPANY KAHIT WEAK KA)…I ALMOST HAD NO PATIENT KAYA OKAY NA RIN. LUMIPAS ANG FIRST HALF NG CHRISTMAS EVE SA KAKALARO KO NG “SPIDER SOLITAIRE” AND IM JUST ABOUT TO SUBMIT MY REPORT AND PREPARE FOR TONIGHTS’ “CHRISTMAS PARTY”.

Para sa mga Emotista….

November 15th, 2006 by gepie-88

Borrowed Time
Cueshe

Every fight needs mending
Every start has an end
Like the sunrise and the sunset
That’s just how it is

Love on borrowed time
Will never be yours nor mine
I need you like you need me
The way we ought to be

Oh, it’s good to be true,
If our hopes and dreams come true
Wish that i had more
Of this borrowed time
If only it would last a lifetime

This bitterness inside
Is an empty space i hide
It never satisfies
Living my life in a lie

Love on borrowed time
Will never be yours nor mine
I’ll just close my eyes
And it will be alright

Now that you’ve gone away
You seem so close….

Yung feeling na parang…inangkin at inari mo na ang isang tao…sa iyong puso’t diwa…kayong dalawa although ang twist hindi naman pala alam ng taong iyun..la lang…Gusto ko na ulit ang Cueshe

Thanks pala kay Jove…i saw this in his blog(www.jovefrancisco.com) his fitting tribute to Ken Dingle Bells….

Ang Bagong Elsa sa Barrio Cupang

October 21st, 2006 by gepie-88

Nyala_gilid

Ako si Elsa (Ching!) at muli akong nagbalik sa Barrio Cupang hindi upang sumigaw ng “ walang HIMALA”! kung sino man ang nakapanuod at nakaaalala ng pelikulang Himala ni Ate Guy malamang may ideya na kayo sa lugar na pinuntahan ko dito sa

Sudan

. Well, the community itself can be compared to Cupang not necessarily the place I call “home”.  Malungkot, tahimik, halos wala kang ingay na maririnig, bihira ang sasakyan.  Madalas makikita mo ang mga donkey na may karay karay na karwahe.  Disierto, sobrang nakakapasong init.  Alas 7 na ng gabi tirik pa ang araw. Ang alikabok ng pinatuyong putik.  Mga barong barong ng mga IDP’s(internally displaced persons) na gawa sa putik na maaring tumigas at tumibay na lamang sa tindi na araw.  Ni halos wala kang makitang kulay sa berde sa kapaligiran. Isang malawak na espasyo na puro kalupaan. Maaninag mo ang pagdaharop ng mga tao dito sa itsura ng lugar. Walang bahay aliwan. Patagong pagsasaya at paginom ng alak pwede. May mga mangilan ngilan na restorante, kapag kumain ka dito parang panandalian kang nakalaya sa araw ng paggisa mo ng talong at patatas na may corned beef.  Malamig naman sa gabi pero matatakot kang lumabas para magpa presko. Hindi dahil sa aswang kundi sa mga naglipang mga insekto na parang tuwang tuwang nagpi peoples’ power sa liwanag ng mga ilaw.  Kakamis ang mga batang naglalaro ng patintero okay, badminton sa kalsada.  Mga kapitbahay na nagtsitsimisan ng mga latest na balita tungkol kay kris aquino. At kakamiss mag tagalog.  Nagkaroon na nga akong anemia dahil sa pagdugo ng ilong at gilagid.  Haaaaaay…pero sa likod na lahat ng ito, “may himala”. Maayos na tirahan, kumpletong kagamitan at naka-aircon na kwarto. Nakakain ng 2-3x sa isang araw (well, by choice ito)! Bente kwatro oras ang tubig at koryente. May cable, internet at oto.  Mahimbing na tulog, malinis na tubig. Mga kaibigan dayuhan, iba’t ibang kulay ngunit iisang layunin.  Dalawang kakaibang pamumuhay sa iisang lugar.  Buhay na buhay si Elsa sa kabila ng mga kalungkutang ito.   At hindi totoong walang Himala.

“Arigato” and “Sayonara”

September 27th, 2006 by gepie-88

Bago me umalis, I heard from star patroller Phoemela Barranda na Jun Hirano, the fil-jap student ng Pinoy Dream Academy is voluntarily mag eexit…nalungkot ako…cute sya in the sense na nakakatuwa…then on never had the chance to follow up what happened until one night I was chatting with Jove bigay sya ng bigay ng mga link sa you.tube…napanuod ko yung portion na kumakanta yung mga frends ni jun sa academy na sina Jay-R, Kristoff, RJ, et al ng “Arigato” and “Sayonara”…nakuha ako…I don’t know what with this guy pero mahal sya ng pinoy audience. Wala kasing ka effort effort ang cuteness nya…minsan lang akong humanga…nawala pa..yung isang hinahangaan ko nasa amerika at nakapiyansa lang….sayang JUN.Jun01

Isang linggong nakakaloka….

September 27th, 2006 by gepie-88

Thurs last week…akala ko napaaga ako sa airport…flight ko kasi is almost 12 midnight…8:30pm nakapila na ako para mag check in…ang haba ng pila..okay…because of the heighted security ng NAIA..basically most of the airports…okay cant describe the scenario..ganito na lang…8:30pm pumila na ako…nakarating ako ng boarding area 11:45pm…walang yosi yosi dahil una bawal nga lighter or any fluid or gel like material for that matter sa check in luggage….at pangalawa wala ng smoking area sa NAIA…hmp.

Okay, 8 hours lang naman ang flight from manila to dubai(stopover)….ang nakakaloka 11 hours naman ako sa dubai…ang problema ko pa…ebak na ebak na ako..i tried checking the toilets pero pila…alam mo nyo yun? Parang dyahe na marinig nila ang pagutot ko at ang baho ng ebs ko…na sa paglabas ko nakatitig mga tao sa akin…well, oo hindi naman nila ako kilala pero kakahiya pa rin…naalala ko tuloy ko yung ebak blog ni rey agapay(check nyo, reyagapay sa blogspot). So, I searched the whole dubai international airport para mailabas ko ang lahat ng sama ng loob ko matiwasay at tahimik well, advise ito sa pupunta sa dubai. The toilet is at the far left wing ng duty free okay…dun tahimik walang kalaban.

Saving grace ang pagdala ko ng laptop at ang wifi ng dubai international airport..salamat sa teknolohiya. Kung ang ibang tao eh nakahilata sa floor while waiting for their flight…mas sosi nman na pawifi wifi ka lang sa starbucks…naloka ako sa presyo ng kape ha…akala ko usd15 ang grande yung pala 15 dinars lang. At mas sosi lalo kung wala kang hand carry kundi ang laptop bag mo lang. You will be amazed by the presence ng mga pinoy na nasa dubai international airport. Lalo na sa may duty free kakaloka. Hindi naman sila masungit, in fact, may isang pinoy na nagbigay sa akin ng yosi dahil ang yosi ko nasa hand carry ko na na-check in ko rin.

Nakarating na rin ako ng sudan…mas masarap ang food sa dubai-khartoum flight ko kaya super kain ako sa plane…pagpasok ko ng arrival area, may naghihintay na sa akin dun…he asked for my passport, asked me to wait and voila, may instant visa na. I don’t have to fall in line sa immigration…tuloy tuloy lang. Divish bongga! Hate ko sa biyahe ang check in lalo na ang carousel. Lalo na’t sa manila pa ako nag check in…ang mga nag check in nang una ang huling lalabas sa carousel. Antok and pagod na ako..wala pa rin bagahe ko…

Hindi na rin ako dumaan ng customs…derecho pa rin…isang UN staff sumundo sa akin…binaba ako sa UN guesthouse..yun lang…hindi man lang nag endorse nang kung anu-ano..pero, okay lang…sa sobrang patang pata na katawan natulog na lang ako.

The following day, I felt so dehaydrated kasi huling intake ko ng tubig sa plane pa…hindi naman ako pwedeng uminom ng water from the faucet at malalasahan ko ang tubig from the nile river…kahit wala akong alam naglakas loob akong lumabas to buy water..may sari sari store dito mga fwend..problem wala akong sudanese dinar…!!!!!

Hay, I have to find a way to quench my thirst….lumabas ako sa kalye. Asked help from the sikyo manning the first gate ng UN headquarters…buti na lang marunong mag ingles..they called a thuk-thuk(parang tricycle sa atin) but I have to pay usd4 just to bring me to the mall..parang magpapalit ng pera at makabili ng kailangan ko…hayai na…punyeta…start ng Ramadan kaya late nagbukas ang mall…naiiyak na ako…saving grace ang dalawang Karen(carpentero) na nakilala ko. At least naaliw ako sa mga kwento nila at sa pagsama nila sa akin…finally, nakabili na ko ng simpack ko pati na rin water ko….at bread…we were supposed to eat sa foodcourt ng mall kaso sarado dahil Ramadan..Saturday pa(ang weekend naming dito is Friday and Saturday)..so for 4 days…bread at spread at juice lang ang kinakain ko.

Sunday, I started to fix my papers…so security exam, ID, etc….hindi masyadong exciting…lalo na sobrang init dito…nakakalimutan ko ang kanin sa pakikipag chat sa mga frends ko…hanggang makatulog na lang ako. Monday, start ng orientation..kakaloka…kailangan magpakilala ang isat isa na ala miss universe. Well, universal naman talaga kasi mga kasama ko from different parts of the world…divish! Gustuhin ko man ibahin ang intro eh di bale na lang…na overwhelm lang ako kasi akala ko doctor lang ako dito..but I have more responsibilities than being a doctor…para kaming gumagawa ng coup d etat kasi mga kasama ko sa orientation eh mga military naka uniporme pa…lalo na ang mga topic…UN system, values, evacuation, landmine, hijack, UXO, at different abbreviations na hindi ko matandaan.

To and fro the hotel and UN headquarters, may shuttle ang national and international UN staff…wait ka lang….minsan sa pag uwi ko, nakasakay ako with Pakistani and Indian police…may gosh….sorry ha, pero I texted my friends na hindi yata bala or malaria ang tsutsugi sa aking dito kundi ang mga ANGHET na kasabay ko nung araw na yun…I will die of asphyxiation due to body odor hindi ko kaya. For 15 mins yata hindi ako huminga…matutuwa ka sa mga Sudanese…magaling silang magsalita ng inggles may twang pa kasi ang mga aral usually sa Saudi nagaral…mukha silang intelihente….basta,I have to find out more…ang nakakaloka sa daan eh walang batas trapiko dito…kanya kanya…ang bagay dito yung mga driver sa montalban…I swear.. pero higit sa kinaloka ko eh ng makakita ako ng itim na langgam(sudanese HANTEK) na masakit kumagat , ang tsubibo(ferris wheel) sa gitna ng isang malawak na lupain…to think muslim country ito….at ang mga puti na halos 4 na araw na pareho ang suot na damit…okay lang kung malamig kaso dito bubula lahat ng kasinngit singitan mo…at ang hindi ko pagkain ng kain na to think sa pinas pati dessert ko ay kanin….
25092006201